Dagupan City – Nakatakdang palakasin ang kooperasyon sa pagsusulong ng investments sa Pilipinas sa Japanese investors.

Ito’y matapos na lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Board of Investments (BOI), at ang Mizuho Bank, Ltd. sa isang memorandum of understanding (MOU).

Kinumpirma naman ito ng Board of Investments matapos na nilagdaan nina Trade Undersecretary, BOI Managing Head Ceferino Rodolfo at Mizuho Bank Manila general manager Masaaki Wada sa opisina ng Makati City kamakailan.

--Ads--

Layunin ng nasabing kasunduan na palakasin ang kooperasyon upang itulak ang investments sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminars o missions, kabilang na riyan ang business-matching activities.

Kaugnay nito, ipinaabot naman ni Rodolfo ang kanyang pasasalamat sa Mizuho Bank Manila branch para sa suporta at partisipasyon nito sa investment promotion missions sa Japan, idinagdag na tatlong Japanese firms ang matagumpay na nakapagtayo ng kanilang presensiya sa Pilipinas bunga ng mga pagpupulong na ito.