Dagupan City – Upang muling pagtibayin ang kanilang commitment na palakasin ang economic ties, nagsagawa ang Pilipinas at Czech Republic ng kanilang ikalawang Joint Committee on Economic Cooperation (JCEC).

Ito ang kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kung saan ang Joint Committee on Economic Cooperation ay pinangunahan nina Undersecretary Allan Gepty at Ministry of Industry and Trade Director General Eduard Muřický.

--Ads--

Kasama rin sa isinagawang meeting si Philippine Ambassador to the Czech Republic Eduardo Meñez at Czech Ambassador to the Philippines Karel Hejč sa JCEC.

Isa sa pangunahing tinalakay naman ng mga ito ay ang pagpapalakas sa kooperasyon sa mga larangan ng agriculture, manufacturing, healthcare industry and medical devices, energy, environment, mining, transportation, information technology and business process management, aerospace and space technologies, defense, education, labor, at tourism.

Habang ibinahagi rin nila ang mga updates sa trade at economic developments na nakatuon sa mga polisiya na makapagpapalakas sa trade, investments, at economic cooperation.

Tinalakay rin nila ang regional at global issues, binigyang-diin ang mahalagang papel ng international trade sa pagsusulong ng economic growth at stability ss gitna ng global challenges at uncertainties.