Dagupan City – Tinututukan ng Provincial International Affairs Office (PIAS) ang pagsasagawa ng Rank Inspection sa bawat Police Station sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PLT Gloria Juguilon, International Affairs Office ng Provincial Philippine National Police (PNP), sinusuri umano dito ang kabuuang kasuotan ng mga pulis upang makita silang presentableng nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Kaakibat ng pagtitiyak na dala ng mga ito ang kanilang mga ID’s at maging ang kanilang mga ATM card kung saan nila natatanggap ang kanilang mga sahod.

--Ads--

Ito’y matapos na tugunan ang natatanggap na report na maging ang mga ATM cards ng mga personnel ay sinusubukang isanla.

Dagdag pa rito, dumaan na rin sila sa pagsusuri ang mga hawak na baril ng mga kapulisan. Kung saan ay tinitignan din nila kung tunay nga bang rehistrado o regular na nagpaparenew ang kanilang mga linsensya.

Samantala, may mga nakalinya pang mga programa ang PIAS na mga OPLAN patungkol sa mga kapulisan sa pagsasagawa ng mga aksyon na ikasi-siguro ang seguridad ng publiko, lalo na sa mga susunod na buwan dahil papalapit na namang eleksyon.

Mahalagang paraan ito upang masuri ang disiplina, kaalaman, at kahusayan ng mga pulis sa kanilang mga tungkulin. (Nerissa Ventura)