Usap-usapan ngayon sa social media si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach hinggil sa umano’y panawagan niya na tigilan na ang pangha-harass at pamba-bash sa fashion site na Style Not Com.
Matatandaan kamakailan na nag-post ng runway video sa social media si Pia. Na siyang agad namang pinag-usapan dahil ang video na in-upload niya ay may pagkakahawig sa video na kuha ng Style Not Com.
Napag-alaman ding tatlong araw nang naka-post sa Instagram account ng Style Not Com ang nasabing video bago pa ito kunin ni Pia at i-upload sa kanyang social media account.
Dito na umano inakusahan ng ilang netizens si Pia na diumano’y “magnanakaw” ng content dahil hindi niya ito nilagyan ng credit, gayong hindi pala sa kanya mismo galing ang video.
Sa kabila nito, nagkomento naman sa nasabing post si Heart Evangelista, na napapabalitang hindi kasundo ngayon ni Pia.
Depensa ng mga ito, hindi na kailangang paringgan ng Style Not Com ang Pinay beauty queen lalo na’t nagpaliwanag na raw ito sa nangyari.
Agad ding niyang in-edit ang caption ng kanyang post para mabigyan ng credit ang nasabing fashion social media account. Muli namang nilinaw ng beauty queen na imbitado ito sa fashion show at wala siyang intensyon na kuhanin ang video ng iba.