Mga kabombo! Isa ka ba sa mga mahihilig sa authentic phone case?
Tila kakaiba kasi ang phone case na ito dahil nasu-sunburn?
Yes! Tama! Dahil mala totoong balat kasi ang atake ng tinawag na skincase na ito mula sa United Kingdom.
Ayon sa ulat, nakipag-collaborate ang researcher na si Marc Teyssier ng United Kingdom sa Virgin Media O2 para makagawa ng phone cover na tinawag niyang Skincase.
Kung saan ay nagkakaroon din ito ng sunburn kapag natagalang nakabilad sa matinding sikat ng araw.
Ayon kayMarc, na i-develop ang Skincase matapos lumabas sa mga research na ang mga taong nasa ilalim ng araw sa mga oras na may high UV index—lalo na kapag nasa beach—ay nakakaligtaang maglagay ng sunscreen protection sa kanilang balat.
Kung saan magsisilbi itong paalala na gumamit na ng sunscreen protection o kaya ay sumilong muna kapag exposed sa araw.
Ngunit dahil nga mukha itong totoong balat ng tao, tinawag itong “creepy” ng mga netizens.
Paliwanag naman ni Marc, gumamit siya ng kumbinasyon ng silicone at UV-reactive elements para makopya ang balat ng tao.
Isa-isa naman niyang inukitan ng mga gatla ang prototype na na-produce gamit ang 3D printing.
Ang Skincase ay may tatlong magkakaibang skin tones, na bawat isa ay nagre-react sa UV rays sa pamamagitan ng pagpapalit ng kulay.
Para rin itong balat ng tao na namumula o nangingitim kapag sobrang nabilad sa sikat ng araw.
Bagaman at matagumpay ang research and development ni Marc, hindi pa opisyal na inilulunsad ang skincase sa market.