Mahigpit na binalaan ngayon ng Provincial Health Office dito sa lalawigan ng Pangasinan ang publiko na maging maingat sa posibleng paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit dahil na rin sa nararanasang tindi ng init ng panahon.

Una rito, kahapon, araw ng Lunes , pumalo sa 51.7 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Dagupan City. Nalagpasan nito ang pinakamataas na heat index record na 48.2 degrees Celsius noong April 4.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra Cielo Almoite, Tagapagsalita ng PHO Pangasinan, sinabi nito na patuloy ang kanilang paalala sa lahat, lalong lalo na sa mga magsasaka, consruction workers pati na mga traffic enforcers na kapwa batak sa init ang trabaho– na maging ‘hydrated’ sa lahat ng oras. Babala ng opisyal, delikado tuwing mainit ang panahon ang ma-dehydrate dahil pwedeng mauwi ito sa heatstroke, na nakamamatay kapag hindi naagapan.

--Ads--

Samanatala, kaugnay nito, nilinaw ni Almoite na wala pang naitatalang ‘casualty’ ang kanilang tanggapan dahil sa labis na init na naranasan dito sa probinsya. int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program