Hinikayat ng Provincial Health Office dito sa lalawigan ang mga Rural Health Units o RHU Staffs na paigtingin ang kanilang Information Dissemination sa publiko patungkol sa ‘food poisoning’.

Ayon kay Dra Cielo Almoite, Tagapagsalita ng PHO Pangasinan, mahalaga na mapaalalahan ang mga nagmamay-ari ng restaurant, karinderya, canteen, mga naglalako ng kakanin, mga tindera ng karne, isda, gulay at prutas sa kung paano ang wastong paghawak ng pagkain upang mapanatiling sariwa, malinis at ligtas itong kainin.

Aniya, nararapat lamang na makipag ugnayan ang mga nasabing RHU Staffs sa mga baranggay at mga munisipyo at paalalahanan ang mga ito sa kung paano makakaiwas sa banta ng pagkalason sa pagkain o food poisoning.

--Ads--

Bukod dito, ipinaalala din ni Almoite ang tungkol sa food safety and

sanitation, food storage, food handling pati na ang proper hygiene ng isang indibidwal. int of Bombo Frammy Sabado//Zona Libre Program