Umabot na sa 50% ang lumabas na resulta sa kabuuang 843 Polymerase Chain Reaction (PCR) tests na naisalalim sa unang bahagi ng mass testing sa lalawigan ng Pangsinan.

Ayon sa pahayag ni Dr. Anna de Duzman, Provincial Health Office (PHO) Pangsinan Chief, sa isang forum kasama ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KPB) Pangasinan Chapter, kabilang sa mga resultang lumabas na ay ang mga na-stranded na kababayan sa mga border checkpoint ng lalawigan at mga frontline workers kung saan isa lamang dito ang nagpositibo, ang 29 anyos na lalaking mula sa bayan ng Asingan.

Sa ngayon inaantay na lamang ang resulta ng swab test ng nasa higit 400 indibidwal na kabilang sa mga isinailalim sa mass testing.

--Ads--

Dagdag pa ni Dr. de Guzman na nag umpisa ng magsagawa ang PHO Pangasinan ng second batch mass testing sa probinsiya.

Kaugnay nito, umaasa ang Provincial Health Office (PHO) Pangasinan na hindi mangyayari ang second wave ng COVID-19 sa naturang lalawigan.

Batay kay Dr. de Duzman, bumaba na ang mga kasong naitatalang nagpopositibo sa nabanggit na sakit.

Kasama na riyan ang pagbaba ng bilang ng pagkahawa, liban sa dalawang kaso na kamakailan ay naitala mula sa bayan ng Asingan.

Dahil diyan ay nagsasagawa na ng mass testing ang nasambit na tanggapan at masusing inaalam ang mga mild Patients Under Investigation (PUI) sa mga vulnerable at high risk groups kung mayroong nahawa sa nasambit na virus.

Samanatala, pinaghahandaan na rin ng kanilang hanay ang pagbabago ng kategorya sa oras na tanggalin ang community quarantine sa lalawigan kung saan pinangangambahan na baka maging complacent o kampante ang mga asymptomatic na positibo sa COVID-19 at isiping hindi na nila kailangan pang magpunta sa mga pagamutan at idahilang malakas ang kanilang mga resistensiya na posibleng maging dahilan pa ng second wave ng nabanggit na virus.