Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba ng publiko hinggil sa naramdaman na magnitude 5.3 na lindol sa Albay.
Ayon kay Phivolcs Senior Science Research Specialist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na walang kaugnayan ang naturang malakas na pagyanig sa aktibidad ng bulkang Mayon.
Paliwanag ng opisyal na tectonic ang pinagmulan ng lindol na naramdaman kagabi sa Albay at sa ilang bahagi ng Bicol.
Sa kabila nito ay binabantayan kung magkakaroon ng epekto ang naturang lindol sa magiging aktibidad ng bulkan sa susunod na mga oras.
Dagdag pa nito na ang nangyayaring rockfall at iba pang aktibidad sa bulkan ay dulot ng nagpapatuloy na eruption nito at hindi dahil sa pagyanig.
Samantala, sinabi ni Alanis na hindi naman magiging banta an tsunami dahil ang nangyaring lindol ay side-to-side ang paggalaw ng fault.










