Kinumpirma ng tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) na mayroon silang nakita batay sa iba’t-ibang parameters na kanilang tinutukan ukol sa bahagyang pagtaas ng aktibidad ng Taal Volcano.

Nabatid mula kay PHILVOCS Director Renato Solidum, sa mga nakalipas na araw, marami silang mga naitatalang volcanic tremors na siyang posibleng sanhi ng pag-akyat ng gas o hindi naman kaya’y ng tubig na mainit maging ang pagtaas ng temperatura ng main crater ng taal volcano islands ay patunay at dahilan ng nasabing aktibidad.

Voice of PHILVOCS Director Renato Solidum

Matatandaan na noong January 12, 2020 ang huling datos ng kanilang tanggapan sa pagkakaroon ng phreatic reaction o pagsabog ng naturang bulkan at bagamat maikli lamang ang duration ng pagsabog nito, nagkaroon muli ng bagong suplay ng magma na umakyat na siyang nagbibigay ngayon at nagpapainit sa tubig na nasa ilalim ng bulkan sanhi ng pagkakaroon ng abnormalidad na mas matindi sa ngayon kaysa sa mga nakaraang panahon.

--Ads--

Bilang tugon, nagbibigay na sila ng advisoy o kaliwat kanang paalala sa publiko na mayroon pagka delikado sa ngayon ang lagay ng taal volcano.

Giit ni Solidum na ang Taal Volcano Islands ay maikukunsidera bilang permanently danger zone, ibig sabihin, walang permanent settlement o walang naninirahan kahit noong pang nakaraang taon bago ito sumabog.

Paliwanag pa ng opisyal na dapat ay maliwanagan ang ating mga kababayan na kinakailangang tumupad ng kusa at umaksyon sa mga ganitong pagkakataon. // With reports of Bombo Lyme Perez