Dagupan City – Patuloy ang panawagan ng Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan Chapter sa publiko na makiisa sa taunang blood donation drive ng Bombo Radyo Philippines na “Dugong Bombo 2025: A Little Pain, A Life to Gain.”

Isasagawa ito ngayong araw November 15 alas siyete ng umaga hanggang
alas 5 ng hapon sa Nepo Mall Arellano St. sa pangunguna ng Bombo Radyo at Star Fm Dagupan katuwang sila at ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated.

Ayon kay Rex Vincent Escaño ang OIC and Chapter Administrator ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter na sa katatapos na kalamidad ay malaki ang pangangailangan para sa dugo sa mga ospital sa buong lalawigan.

--Ads--

Aniya na nakakasapat pa naman sa ngayon ang dugo ngunit kinakailangan parin madadagdagan dahil sa dami ng nangangailangan lalo na ang mga ibat ibang type ng dugo.

Malaki ang gampanin ng mga blood donors dahil sila ang magsisilbing bayani para makapagsagip ng buhay.

Hindi aniya nabibili o nakukuha sa faucet ang dugo bagkus ay kinakailangan ng boluntaryong pagdodonate ng isang indibidwal para makaipon ng kinakailangan dami at type nito.

Binigyang-diin din nito ang mga dapat isaalang-alang ng mga magdodonate na dapat ay may sapat na tulog, nakakain ng maayos at walang ubo’t sipon para makapasa sa screening at maging successful donor.