Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang palalakasin ang kampanya laban sa illegal firecrackers at pyrotechnics ngayong bagong taon.
Kaugnay nito pinaalalahanan ni PNP Regional director Regional Pol. Brig. General Emmanuel Peralta, ang lahat ng police units hinggil sa polisiya sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnics devices sa kanilang areas of responsibility.
Inatasan ni Peralta ang provincial directors at chief of police sa rehiyon 1 na makipag ugnayan sa mga LGU hinggil sa kanyang direktiba patungkol sa paggamit ng baril at gayundin sa iba pang ahensya ng pamahalaan, sa lahat ng ospital at clinic upang masiguro ang iba pang kahandaan sa pagsalubong ng bagong taon.
Inatasan din niya ang lahat ng COP na magsagawa ng special Oplan Katok sa lahat ng rehistrado at lisensyadong individual na nag iingat ng baril upang palalahanan at bigyan ng babala para sa ligtas napagsalubong ng bagongtaon at mga kaparusahan din sa paggamit ng baril na maaaring kaharapin kabilang ang pagkakakulong, habambuhay na disqualification sa pag-iingat ng baril at pagkumpiska sa kanilang baril.
Ipinaalalala din niya sa publiko na huwag bumili at gumamit ng mga ipinagbabawal illegal na napaputok.
Una rito, tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos, na isinusulong ng PNP ang ligtas na pagdiriwang ng bagong taon kaya batid na ng mga kapulisan sa ground kung anong mga firecrackers ang mahigpit na ipinagbabawal.
Siniguro naman ni PNP chief, na kanilang huhulihin ang mga lalabag sa batas lalo na ang mga manufacturers, retailers at maging ang publiko.
Una nang ipinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Ano ang Executive Order 28 na pirmado ni Pangulong Duterte ang ukol sa regulation of the manufacturing, selling and using of firecrackers and pyrotechnic devices sa pagsalubong sa bagong taon.