DAGUPAN CITY —       Nagdadalamhati ngayon ang Philippine Embassy at POLO/OWWA sa Saudi Arabia dahil sa biglaang pagpanaw ni Labor attaché Atty. Nasser Munder.

        Sa impormasyong nakalap ni Bombo International Correspondent Lawrence Valmonte, inatake sa puso ang naturang opisyal habang pauwi na sana mula sa kaniyang tanggapan sa POLO Jeddah, dakong alas-4 y media, oras sa Saudi.

        Nadala pa sa pagamutan si Munder partikular na sa King Fahad Hospital, subalit, ideneklara na itong dead on arrival.

--Ads--

        Nagsilbi si Atty. Munder sa POLO Jeddah simula noong December 2019 at naging daan upang makauwi ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na inabuso ng kanilang mga amo.