Namatay na si Sawaga-Dalwangan ang Philippine Eagle na nailigtas mula sa pag-atake ng grupo ng mga unggoy.

Kinumpirma ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang pagkasawi ng agila nitong araw ng Sabado.

Mula kasi na mailigtas ang agila sa bulubunduking bahagi ng Bukidnon ay sumailalim na ito ng rehabilitasyon sa Philippine Eagle Center sa Davao City.

--Ads--

Bagamat nagpakita ng senyales ng paggaling ay nakaranas ang agila ng biglaang pagkakasakit na hindi na narekober.

Matapos kasi itong ma-rescue ay nagpakita ito ng senyales ng improvements kung saan naging malakas at alerto pa ito.

Magugunitang nailigtas ni Marvin Linoy ang agila noong Hulyo 3 sa tulong ng Daraghuyan Ancestral Domain Indigenous Political Structure at Inhandig Tribal Multi-Purpose Cooperative.

Nakita nilang nanghihina at dehydrated ang nasabing agila.