Pinag–iingat ng   Philippine councilors League Pangasinan chapter ang mga halal na opisyal  kasunod ng nangyaring pagpaslang kay municipal councilor Virgilio Calizo Jr. sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.

Ayon kay Municipal councilor Aldrin Soriano sa bayan ng Mangaldan, sa panayam ng bombo radyo Dagupan, hindi katanggap tanggap na pinatay ang biktima na walang kalaban laban .

Hiniling nila sa pulisya na gawin lahat para matukoy ang nasa likod ng pamamaslang.

--Ads--

Hinimok rin niya ang sinumang nakakita sa krimen na makipagtulongan sa pulisya upang mapabilis ang pagresolba sa kaso.

Una rito, kinondina ng grupo ang pagpaslang sa konsehal.

Matatandaan habang nakatigil ang sinasakyang van ng biktima at nag-aantay sa kaniyang asawa na bumibili ng tubig nang malapitang barilin ito ng di pa nakikilalang suspek sa barangay Imelda sa bayan ng Jacinto.

 Tama sa kaliwang ulo ang tinamo ng biktima na tumagos pa sa kanang bahagi nito na dahilan ng agaran niyang pagkamatay.