Dagupan City – Nagbigay ng mga Agrimachinery ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program ng Department of Agriculture sa 3 kooperatiba na benepisyaryo nito dito sa bayan ng San Nicolas.
Malugod itong tinanggap ng mga benepisyaryong kooperatiba na Alola San Jose, San Roque Irrigators Association Inc., at SalBen Farmers Association Inc. kung saan binigyan sila ng tig-isang unit ng four-wheel tractor habang ang DaluBeSan Irrigators Association Inc. naman ay nakakuha ng isang unit ng riding type transplanter.
Ang nasabing inisyatiba ay pinangunahan ni 6th District Congresswoman Marlyn Premicias-Agabas katuwang ang kinatawan mula sa Department of Agriculture at ni San Nicolas Mayor Alicia Primicias Enriquez kasama ang kanyang mga kasamahan sa kanilang local na pamahalaan upang personal na maibigay ito sa mga benepisyaryo.
Kaugnay nito, lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap na kooperatiba at ang mga opisyal na dumalo sa ipinamahaging ito ng programa ng PhilMech kung saan malaki ang maitutulong sa mga magsasaka upang mas mapabilis ang kanilang trabaho sa bukid na makakatuwang sa pag-papalago ng sektor sa agrikultura sa bayan ng San Nicolas.