Nagdagdag ng mga puwersa ang Philippine Army (PA) para matiyak ang seguridad sa gaganaping kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections sa darating na Setyembre 14.

Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, na mayroong dagda na mga sundalo na mula sa 28th Infantry Batallion.

Aabot aniya sa 5,000 mga sundalo at enlisted personnel ang nakakalat sa nasabing rehiyon.

--Ads--

Bukod pa dito ay mayroong tatlong batalyon kung saan bawat batalyon ay binubuo ng nasa 500 ng mga sundalo.

Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (COMELEC) para matiyak ang mapayapang halalan doon.