DAGUPAN CITY–Nagpapasalamat ang Philhealth Region I sa ibinigay na pagkakataon sakanila ng Bombo Radyo para marinig din ang kanilang panig kaugnay sa isyu ng water leak” sa sakanilang gusali na sinasabing ginawang motibo para pagtakpan ang ilang isyu na kinasasangkutan ng kanilang ahensiya.

Ayon kay Edward Espiritu , Administrative Officer IV ng Philhealth Region I, ipinagpapasalamat nila ang ibinigay na pagkakataon ng Bombo Radyo na maisapubliko ang kanilang panig kaugnay sa usapin.

Hiling naman nito na kapag natapos na ang imbestigasyon ay muli silang mabigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag.

--Ads--
Edward Espiritu – Administrative Officer IV Philhealth Region I

Nauna rito pinabulaanan ng Philhealth Region I na bahagi ng pananabotahe sa isinasagawang imbestigasyon ang pagkakaroon ng “water leak” sa sakanilang gusali .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Mary Grace Padapat Attorney IV ng PhilHealth Regional Office I , nilinaw nito na mga pang-araw araw na dokumento na kanilang ginagamit lamang ang nabasa nang mangyari ang “water leak” sa kanilang gusali.

Wala aniyang mga confidential documents ang naapektuhan nito at nilinaw na hindi ito magkakaroon ng epekto sa isinasagawang imbestigasyon sa ilang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Philhealth.

Giit din nito na nakahanda sila sakaling may mga hingiing dokumento ang anumang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon.