DAGUPAN CITY–Pinabulaanan ng Philhealth Region I na bahagi ng pananabotahe sa isinasagawang imbestigasyon ang pagkakaroon ng “water leak” sa sakanilang gusali na sinasabing ginawang motibo para pagtakpan ang ilang isyu na kinasasangkutang ng kanilang ahensiya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mary Grace Padapat Attorney IV ng PhilHealth Regional Office I , wala aniya itong katotohanan at nilinaw na mga pang-araw araw na dokumento na kanilang ginagamit lamang ang nabasa nang mangyari ang insedente.

Wala aniyang mga confidential documents ang naapektuhan nito at nilinaw na hindi ito magkakaroon ng epekto sa isinasagawang imbestigasyon sa ilang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Philhealth.

--Ads--

Giit din nito na nakahanda sila sakaling may mga hingiing dokumento ang anumang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon .

Mary Grace Padapat Attorney IV ng PhilHealth Regional Office I

Nauna rito, noong August 19 ay nagkaroon ng “water leak” sa sakanilang gusali dahil sa naranasang malakas na pag-ulan dito sa siyudad ng Dagupan.

Dahil dito nagpasaklolo na ang Senado sa National Bureau of Investigation (NBI) para maprotektahan ang mga ebidensya sa PhilHealth related controversy.

Nais malaman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung ang “water leak” sa naturang building ay ginawang may motibo para pagtakpan ang ilang isyu.

Nabasa kasi ang mga dokumento sa mismong pinagtataguan ng mga ito.

Para kay Zubiri, kung mapapatunayang may sadyang gumawa, dapat umanong habulin at kasuhan ang nasabing tao.