Dagupan City – Tinututukan ngayon ng Department of Public Works and Highways – Regional Office 1 (DPWH RO1) ang Phase 1 ng konstruksyon ng bagong tulay na papalit sa Carlos P. Romulo Bridge, mas kilala bilang Wawa Bridge, sa bayan ng Bayambang.
Ayon kay Engr. John Liwanag, Chief ng Construction Site, kasalukuyan nang isinasagawa ang konstruksyon ng bagong tulay sa ilalim ng pamamahala ng DPWH Region 1.
Aniya, may mga aktibidad nang isinimulan, kabilang na ang paggawa ng detour road, foundation works, at demolisyon ng nasirang bahagi ng lumang tulay.
Matatandaang bumagsak ang bahagi ng Wawa Bridge noong Oktubre 2022 matapos dumaan dito ang dalawang overloaded na trak na lumampas sa itinakdang weight limit ng tulay.
Bilang pansamantalang solusyon, naglagay ng Bailey bridge sa lugar upang mapanatili ang daloy ng trapiko para sa mga magagaan na sasakyan.
Layon ng proyekto na magkaroon ng mas matatag, ligtas, at episyenteng koneksyon sa pagitan ng mga bayan sa Pangasinan at mga karatig-lugar.
Inaasahang naman na sa oras na makumpleto ang bagong tulay, ay magbibigay ito ng malaking tulong sa pagpapabilis ng biyahe sa rehiyon.
Patuloy namang nananawagan ang DPWH sa publiko na mag-ingat sa lugar ng konstruksyon at sumunod sa mga itinakdang traffic advisories habang nagpapatuloy ang proyekto.