Mga Kabombo, isang kamangha-manghang tuklas mula sa Pennsylvania ang maaaring magbigay ng pag-asa sa paglaban kontra cancer.
Isang grupo ng mga siyentipiko mula sa University of Pennsylvania ang nakadiskubre na ang Aspergillus flavus, isang uri ng fungus na matatagpuan sa libingan ng Egyptian pharaoh na si Tutankhamun.
Ito ay may kakayahang pumatay ng cancer cells partikular na ang mga may leukemia.
Noong dekada 1920, naging kontrobersyal ang tinaguriang “pharaoh’s curse” matapos magkasakit at pumanaw ang ilang kasapi ng archaeological team ni Howard Carter nang buksan nila ang libingan ni Tutankhamun.
Katulad na pangyayari rin ang naitala sa Poland noong 1970s, kung saan maraming namatay matapos makapasok sa isang sinaunang libingan.
Kalaunan, natuklasan na ang sanhi ay ang Aspergillus flavus isang fungus na maaaring magdulot ng seryosong sakit sa baga.
Ngunit ngayon, imbes na katakutan, binibigyang pansin ng mga eksperto ang fungus na ito dahil sa potensyal nitong makapatay ng leukemia cells.
Ayon sa kanila, posible itong gamitin bilang sangkap sa panibagong klase ng gamot kontra cancer.
Binanggit naman ni Prof. Sherry Gao, isa sa mga pangunahing mananaliksik, na napakarami pang natural na organismo sa kalikasan na maaaring makatulong sa medisina.
Ayon sa kanya, mahalaga ang papel ng agham sa pagtuklas ng mga lunas para sa mga sakit na matagal nang nagpapahirap sa sangkatauhan.