DAGUPAN CITY – “Huwag magpapadala sa bugso ng damdamin.”

Yan ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa naging pahayag ni PBBM hindi na kinakailangan ang PH Navy Warships sa West Philippine Sea dahil wala naman sa digmaan ang Pilipinas.

Aniya ay tama naman ang naging pahayag ng pangulo dahil mahina talaga ang navy natin at mas malaki ang magiging impact nito sa bansa.

--Ads--

Bagamat ay tinatayang nasa 90 vessels lamang ay mayroon tayo habang ang China naman ay nasa higit 350 vessels.

Dahil dito kailangan munang maghinay-hinay sa ating mga isasagawang hakbangin at hanggat namamanage pa naman ito ng coastguard at diplomatic approach ay mainam na ‘wag tayong magpapadala sa bugso ng ating damdamin.

Kaya’t bakit tayo magpapadala ng warships gayong hindi pa ganoon kalakas ang ating navy at hindi din tayo nakasisiguro na kung reresbak ang ating mga kaalyado kapag dumating sa puntong kailangan na nating lumaban.