Nakatakdang hikayatin ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mas maraming Singaporean investors sa harap ng mga insentibo at mas mababang industrial power rates sa ilan sa mga zone nito.

Binigyang-diin ni Director General Tereso Panga ang fiscal incentive regime ng pamahalaan.

Kung saan ay itinutuirng itong isa sa pinaka-kumpetitibo sa Southeast Asian neighbors sa 4th Philippines-Singapore Business and Investment.

--Ads--

Dito rin ibinahagi ni Panga ang industrial power rates sa ilan sa zones nito na nagpapakita ng mas mababa sa average cost ng kuryente sa bansa. Layunin ng presentasyon na makaakit ng energy-intensive investments.

Ang energy-intensive investments tulad ng nasa semiconductor at electric vehicle manufacturing industry ang pinaniniwalaang most promising at high-impact sectors, partikular sa ASEAN.

Binigyang pagkilala rin nito ang ilang kilalang kompanya na naka-headquarter sa Singapore na nag-o-operate sa loob ng PEZA zone at patuloy na nag-e-expand tulad ng Dyson, Amkor, New Kinpo, HRD/Ichi-jo group at Knowles Electronic.

Sa kasalukuyan, ang PEZA ay tahanan ng 160 kompanya na may Singaporean equity na nakalikom ng USD2 billion na investments at lumikha ng 127,000 direct jobs para sa mga Pilipino.