Aprubado ng proactive initiatives ang P115.887 Bilyon investments sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na naglalayong iposisyon ang bansa bilang pangunahing investment hub sa rehiyon sa investment approvals para sa third quarter ng 2024, doble ng kabuuang naitala mula Enero hanggang Agosto.
Matatandaan na mula Enero hanggang Setyembre 2024, inaprubahan ng PEZA ang 179 bago at expansion projects na inaasahang lilikha naman ng USD2.513 billion na exports at magkakaloob ng 35,871 direct jobs sa mga Pilipino.
Ang approvals ay nakalikom ng kabuuang P115.887 billion na halaga ng investments, na nagpalakas sa pananaw na maaabot ang P200 billion investment target ng PEZA para sa taon.
Kung kaya’t sa kabuuan, ang PEZA approvals para sa nakalipas na walong buwan ng taon ay umabot na sa P61.69 billion.
Lumalabas naman na year-on-year, nagkaroon ng 24.31% na pagtaas sa bilang ng mga bago at expansion projects, 4.21% pagtaas sa investments, at 5.47 percent at ang employment opportunities na nakaranas ng 55.82% para sa 2024.
Nakikita naman ito ng depatamento bilang malakas na performance sa huling quarter ng 2024.