Nakatakdang isagawa ng ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa nakabimbing petisyon na itaas sa P15 ang minimum na pasahe sa dyipni sa Pebrero 19.

Noong October 2023 ay inaprubahan ng LTFRB ang P1 provisional increase sa minimum na pasahe para sa public utility jeepneys, kung kaya mula P12 ay naging P13 ang pasahe sa traditional jeepneys at mula P14 ay P15 para sa modern jeepneys.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ng LTFRB na pinag-aaralan nito ang petisyon na taasan ang minimum na pasahe mula sa iba’t ibang transport groups.

--Ads--

Guyunman, idinagdag ng LTFRB na kailangan din nitong ikonsidera ang posibleng epekto ng hirit na dagdag-pasahe sa mga commuter.