Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Provincial Employement Services Office (PESO) Pangasinan, para sa ilang mga Overseas Filipino Worker na apektado ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at America sa Middle East.


Maigting ngayon ang ginagawa ng ahensya sa paghahanap ng mga trabaho para sa isasalubong na mga job fairs para sa OFWs na kinakailangang umuwi para sa seguridad partikular na ang mga galing sa mga bansang Iran, Iraq at Lebanon dahil sa ipatutupad na force repatriation.


Ayon sa ahensya kasama narin dito ang mga OFWs na naapektuhan ng partial deployment ban sa bansang Kuwait na ipinatupad matapos ang pagpatay sa Pinay worker na Jeanelyn Villavende.

--Ads--


Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na abot sa 2,000 ang kabuoang bilang ng mga OFWs na nasa Iraq habang higit 1,000 naman ang nasa Iran.