Pinalitan ng Kongreso ng Peru si Pangulong Jose Jeri matapos ang apat na buwan sa puwesto dahil sa iskandalong “Chifagate,” na kinasasangkutan ng lihim niyang pagpupulong sa negosyanteng Tsino na si Zhihua Yang.
Umabot sa 75 mambabatas ang bumoto pabor sa kanyang pagtanggal, 24 ang tumutol, at 3 ang nag-abstain.
Ngayon, ang mga mambabatas ay maghahalal ng bagong pinuno ng Kongreso na siyang tatanggap din ng tungkulin bilang pangulo ng Peru, na magiging ikawalong pangulo sa loob ng walong taon.
--Ads--
Si Jeri naman ang ikatlong sunod-sunod na pangulo ng Peru na pinalitan ng opisina.
Saad naman ng napatalsik na Pangulo na igagalang niya ang desisyon ng Kongreso.










