Nagsagawa ng voters education at roadshow ang Commission on Election o Comelec Dagupan sa mga Persons deprived of Liberty ng Bureau of Jail Management and Penelogy O BJMP Dagupan upang maibahagi ang karapatan ng bawat botante sa pagpili ng kanilang mga ihahalal na lider at ang proseso sa paggamit ng automated counting machine.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Atty. Michael Franks Sarmiento ang siyang Comelec Officer ng lungsod katuwang sina JINSP. Lito Lam Osen Dagupan City Jail male dorm at JINSP LILIA E VENTURA, Acting City Jail Warden ng Female Dormitory sa pagsasagawa ng edukasyon sa mga botante at mga demonstrasyon ng counting machine para sa mga kawani at PDL.

Ang bawat kalahok ay nagkaroon ng pagkakataong mag-shade ng mga sample na balota at pagkatapos ay ipasok ito sa counting machine upang suriin kung ang nasabing makina ay gumana ayon sa inaasahan. Mula sa aktibidad na ito, nasaksihan ng mga kalahok na gumana ang makina nang walang anumang mekanikal na depekto.

--Ads--

Bukod dito ay ibinahagi rin ng opisina ang mahalagang impormasyon na kailangan malaman ng bawat botate.

Ito rin ay base sa mandato ng Konstitusyon ng COMELEC na tiyakin na bawat isa ay karapat dapat na bomoto sa darating na Local at National Election sa buwan ng Mayo.