BOMBO DAGUPAN – Kinakailangan na personal na magtungo sa bangko ang sinumang indidibiduwal o grupo na mag aaplay ng loan sa bangko.

Ipinaliwanag ni Rommel Llamas, Branch Head ng Queen City Development Bank Dagupan, ang mga borrower ay kailangan na pupunta sa bangko para mainterview at makilala siyang mabuti.

Protocol rin aniya ng bangko ang Know your Client kaya sila rin ay pumupunta sa lugar ng borower upang bukod sa makilala ay magkaroon ng magandang ugnayan.

--Ads--

Ikinokonsidera ng bangko ang capacity, capital, collateral at condition dahil ito ang anilay inaalisa ng bangko.

Kapag ang isang borower ay isang buwan nang hindi nakakabayad ay pinapadalhan nila ng notice.

Nanawagan din si Llamas sa publiko na maging mapanuri sa mga inaalok ng mga personalidad na mga scammers.
Payo naman niya sa mga biktima ng scam na dumulog sa mga kinaookolan upang magreklamo.

Matatandaan na ilang mga tricycle drivers sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan na nabiktima ng scam kung saan ginamit ang kanilang mga pangalan upang makapag-loan ng daan-daang libong halaga.