Nagkaroon na ng pinal na pasya ang Sangguniang Panlalawigan ukol sa kasong kinaharap ng mismong Presidente ng PSU Lingayen sa katauhan ni Dr. Dexter Buted kung saan kung matandaan, ito ay napatawan bilang Persona Non Grata.
Ayon kay Buted, welcome sa kanila ang naturang desisyon at naging maayos ang naging komunikasyon nila ngayon ni Gov. Ramon Mon Mon Guico III.Batay sa komunikasyon ng Provincial Capitol noong Oct. 17, 2016, batay sa resolution no. 505, 2016 nakasaad ang nabanggit na opisyal bilang persona non grata sa lalawigan ng Pangasinan. June 2, 2016 ng nagpatawag ng Committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan ay ito ay dinaluhan ni Dr. Buted.
Mula naman sa kasalukuyang bersyon makalipas ang 6 na taon, nagkaroon ng isang resolusyon mula sa tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan na ipinalabas noong July 18, 2022. Batay sa resolution No. 647, 2022 tuluyan ng inalis ang naipataw na estado bilang persona non grata ni Dr. Buted.
Nais ng provincial government na magkaroon ng maigting na ugnayan ang lahat ng government agencies sa Pangasinan kabilang ang Pangasinan State University tungo sa pag mimentina ng socio economic growth development sa lalawigan.
Kung matandaan, kilala ang Pangasinan State University bilang isang educational institution sa probinsya ng Pangasinan na nagbibigay ng advance instruction sa larangan ng sining, agrikultura at natural sciences gayundin sa technological and professional field.
Nakatanggap din ang naturang eskwelahan mula sa liderato ni Dr. Buted ng ilang pakilala mula sa National at Foreign institutions, gaya na lamang ng Philippine Quality Award, ISO 2015, Performance Excellent Framework, at iba pa.
Samakatuwid, mula na din sa mosyon ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino, katuwang ang Sanguniang Panlalawigan. naipalabas ang isang mandato ukol sa pagkaka dismiss ng deklarasyon bilang Persona Non Grata ni Dr. Dexter Buted.
![](https://img.bomboradyo.com/dagupan/2022/07/Buted-1.jpg)