Dagupan CITY– Bagamat nananatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19) FREE ang lalawigan ng Pangasinan, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga binabantayan dito sa probinsya dahil dito.

Sa pinakalatest monitoring report mula sa tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), pumalo na sa 19, 478 ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) o mga taong inoobserbahan ng DOH dahil sa pagkakaroon ng travel history sa mga lugar o nakasalamuha ng mga tao na apektado ng COVID-19. 19, 300 sa mga ito ay nasa ilalim pa ng 14 days quarantine habang 30 sa mga ito ay nakatapos na.

Pinakamarami sa mga PUM ay mula sa bayan ng Bayambang na mayroong 1,303; Bugallon na mayroong 1098.

--Ads--

Sinundan naman ito ng mga bayan ng Mangatarem 1,039, bayan ng Malasiqui na may 952 at ika-lima ang bayan ng Urbiztondo na mayroong 895 PUM.

Umakyat naman sa 19 ang kaso ng Patient Under Investigation (PUI) o mga taong masusing minamatyagan ng DOH ang kondisyon dahil sa pagpapakita ng sintomas ng COVID-19, kung saan 14 sa mga ito ay kasalukuyang nasa pagamutan habang ang lima ay nakalabas na.