Lumutang na ang testigo na makapagtuturo sa nasa likod ng pagpatay sa isang 18-anyos na dalaga na natagpuang nakababa na ang panloob na kasuotan sa sa isang madamong bahagi sa Bonuan Blue Beach Subdivision dito sa lungsod ng Dagupan.

Una rito, natagpuang wala ng buhay ang 18 anyos na biktima na kinilalang si Bernadeth Saplan ilang metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan noong araw ng Linggo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr., bagong talagang hepe ng Dagupan PNP, sinabi nito na ikinokonsidera na nilang solved ang kaso dahil mayroon na silang hawak na testigo na nagtuturo sa person of interest.

--Ads--

Sa kanila ring ginagawang imbestigasyon, nakakuha sila ng CCTV footage kung saan makikita ang biktima at suspek habang papalayo sa crime scene. Nagtutugma umano sa pahayag ng mga testigo ang nakita sa cctv.

voice of Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr.

Ayon pa kay Mangelen, alas otso y media ng gabi ng June 15 naireport sa kanilang himpilan na nawawala ang biktima kaya agad silang umaksyon para mahanap ito ngunit alas diyes kinabukasan natagpuan na ang bangkay nito. Dito na aniya sila nagsagawa ng full blown investigation na naging susi para makakuha sila ng dalawang testigo.

voice of Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr.

Sinabi pa ng opisyal na naninirahan malapit sa pinangyarihan ng insidente ang itinuturong person of interest at hindi residente ng naturang subdivision.