Pinuri ng isang pageant enthusiast ang kinoronahang Miss Hundred Islands 2025 sa lungsod ng Alaminos.
Sa panayam ang bombo radyo Dagupan kay Kathie Lee Berco, Ms Tourism World Philippines 2022, sinabi ni Berco na napakaganda ang resulta ng patimpalak at deserve manalo ang mga napili sa nasabing pageant.
Naging bentahe umano ng kinoranahang Miss Hundred Islands 2025 ang kanyang talino, kagandahan at pagiging positibo.
Nabatid na ito ang unang beses na pagsali sa pageant, ng pambato ng Lopez Island sa bayan ng Sual si Jacynthe Castillo.
Pagbabalik tanaw ni Berco na unang sinalihan din niyang pageant ang Miss Hundred Island noong siya ay 16 taong gulang pa lamang.
Sa kanyang karanasan, saad nito na na aabutin ng 3 hanggang apat na buwan bago ang pageant ang paghahanda ng kandidata sa regional at provincial pageant at maging handa emotionaly pagdating naman sa grand coronation.
Dagdag pa niya na mas dumarami umano ang may potential na beauty queen sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na tinanghal bilang Miss Hundred Islands 2025 si Castillo, tinanghal naman bilang 2nd runner up si Princess Tacazon ng Carias Island, Magsingal, Ilocos Sur at 1st runner up naman si Anjali Pradeep Kumar ng Cathedral Island, Bauang , La Union.
Habang nasungkit ni Divine Grace Malicdem ng Governors Island, Lingayen, Pangasinan ang Miss Hundred Islands 2025 Environment.
Tinanghal naman bilang Miss Hundred Islands 2025 Tourism si Ghelsy Reign Ravago ng Clave Island, Dagupan City.