Dagupan City – Nakatakdang isunod na patataasan ang Perez Boulevard Dagupan City dulot iyan ng high tide.

Kaugnay nito, naglabas na rin si Dagupan City Mayor Belen Fernandez ng isang paalala sa mga motorista at ilang residente ng Brgy. Tapuac sa syudad sa nais gawing pag-papataas ng kalsada magmula sa YMCA Building hanggang sa Nazareth General Hospital.

Ayon kay Danilo Acoy, business owner na nakapwesto sa Perez Blvd., labis na naapektuhan ang kanilang mga negosyo dahil sa pagbaha dulot ng high tide at mga pag-ulan na nagsimula pa noong unang linggo ng setyembre. Kung sakali namang maisagawa na ang operasyon, makaka-apekto umano ito sa mga kabahayan malapit sa YMCA Building.

--Ads--

Kung saan ang kanyang dating arawang kita na P500 to P1000, ngayon ay nasa P300 to P400 na lamang.

Samantala, nakahanda na rin ang pagbibigay ng City Office ng alternatibong ruta para mga motorista at commuters patungo sa kani-kanilang destinasyon.