DAGUPAN CITY — Nagsagawa ng Global Crusade ang Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) sa lungsod ng Dagupan partikular sa CSI Stadia.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay BP. Jonathan S. Ferriol ang Deputy Minister o Global Evangelist ng Home Free Global Crusade- PMCC layunin ng nasabing krusada ang magdala ng kapayapaan sa mga tao sa pamamagitan ni Hesu-Kristo sa mga saliw ng musika, mga pangaral at iba pang makalangit na gawain.
Aniya na mithiin nitong maipakilala sa tao ang kapayapaan na nagmumula sa diyos upang mas maipalapit ang mga ito na manampalataya.
Samantala, ay dinaluhan ito ng nasa higit 4 na libong mga bishop, pastor at delegado mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan at ilang mga karatig na lugar.
Ito na ang ika-9 na Global Crusade ngayong taon ng PMCC at nasa milyon-milyon ng indibidwal ang naabot ng kanilang krusada at nasa daan-daang tao na rin ang nababago ang buhay dahil sa Gospel na kanilang pinapalaganap.
Kaugnay nito ay susunod naman nilang tutunguhan ang Sydney Australia, Spain, United Arab Emirates at iba pang mga bansa upang maipagpatuloy ang nasabing gawain.