DAGUPAN, CITY— Patuloy ang ginagawang hakbang ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) upang mas maging maayos ang pangangasiwa sa mga naiipong mga basura sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay kasunod na rin ng making problema ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsya sa pagdidispose ng basura matapos ang pagkakasara ng sanitary landfill sa lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Maximo Soriano Jr., kanilang mahigpit na minomonitor ang mga naiiipong mga basura ng mga LGUs sa lalawigan lalo na sa kung paano ito dinidispose makaraang wala nang gaanong open dumpsite para paglagyan ng mga ito.
Kung kaya, tinututukan nila ang mga ito kabilang na ang iba’t ibang mga barangay para sa patuloy na pangangasiwa sa mga naitatag na mga Material Recovery Facility (MRF) para sa mas na pagsasaayos at pagtatapon ng mga basura sa kanilang lugar.
Sa ngayon kasi tanging ang bayan ng Bolinao at siyudad ng Alaminos ang mayroong sariling sanitary landfill para sa kanilang nasasakupan.
Dagdag pa ni Ventura, wala pa ring nakikitang bayan o siyudad ang magiging potensyal na maging susunod sanitary landfill para sa waste management sa lalawigan ng Pangasinan. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)