Dagupan City – Muling ipinaalala ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang kahalagahan sa kalikasan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PENRO Officer Raymond Rivera, sinabi nito na mahalaga na tutukan hindi lamang ng pamahalaan kundi ng publiko ang pangangalaga sa kalikasan.

Isa kasi aniya sa pangunahing dahilan sa mga napapaulat na major casualties gaya ng pagbaha ay dulot ng basura.

--Ads--

Aniya, mahalaga na bigyang kamalayan ang publiko sa tamang pagtatapon ng basura at paggamit nito.

Gaya na lamang umano ng segreration kung saan ay dapat sa mismong loob pa lamang ng mga tahanan ay applicable na ito.

Inihalimbawa naman ni Rivera na ang tamang segregation ay magbubunga sa mas maayos na resulta kung saan ang mga hindi nabubulok ay maari pang pakinabangan o i-reuse, habang ang mga nabubulok naman ay maaring ilagay sa isang open area, at doon hahayaang ma decompose, pagkatapos ay pwede nang gamiting pataba ng lupa.

Kaugnay nito, nawa aniya ay tutukan din ang pagbuo ng sanitary landfill, dahil walang sariling ganito ang lalawigan ng Pangasinan at nakikisuyo lamang sa Tarlac.

Binigyang diin naman nito ang RA 9003 na kilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act na may layuning mgakaroon ng mas magtatag at masusing programa sa ecological waste management kung saan ay mas binibigyang prayoridad ang kalusugan ng publiko at kapaligiran.

Kung kaya’t dapat ngayon pa lang ay may kamalayan na, dahil kung ano aniya ang aksyon na ginagawa ngayon ng publiko, ay siyang magiging kinabukasan na ng mga susunod na henerasyon.

Samantala, hinggil naman sa registration ng mga kagamitan gaya ng chainsaw, bukas aniya ang kanilang tanggapan at huwag mag-atubiling lumapit at kumunsulta.