Nakatakdang magsagawa ngayon ng peace and order council meeting ang mga kapulisan dito sa lungsod ng Dagupan lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay kasunod ng naganap na insidente ng pamamaril sa isang resto bar sa bahagi ng Arellano St. noong Linggo ng madaling araw na ikinasugat ng isang katao.

Ayon kay Pol. LT. Col Abubakar Mangelen Jr, Hepe ng Dagupan Police Station , dahil sa nasabing insidente ay nais nilang magkaroon ng ordinansa sa lungsod na nag rerequire sa mga negosyo tulad ng resto bar na kumuha ng security guard at magpatupad ng mahigpit na screening sa kanilang mga kustomer.

--Ads--

Samantala, tiniyak ng hepe na regular ang pagsasagawa ng kapulisan ng Oplan bakal sa mga establisyemento para maiwasan ang kaaluntulad na insidente

Matatandaan nagtamo ng minor injury ang isang kustomer ng isang restobar matapos barilin ng kanyang nakaalitan na umanoy nag – ugat sa away sa parking area.