Nakataas parin ang blue alert status sa tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan kahit patapos na ang obserbasyon ng Semana Santa.

Ito ang kinumpirma sa exclusive interview ng Bombo Radayo Dagupan ni PDRRMO Spokesperson Avenix Arenas.

Aniya, patuloy ang pagsasagawa ng mahigpit na monitoring ng ahensya lalo at kahit marami ng magsisibalik sa kani-kanilang trabaho matapos ang Holy Week break dahil inaasahang marami paring taong dadayo sa probinsya.

--Ads--

Samantala, kinumpirma naman ni Arenas na mas marami ngayon ang nagtungo sa probinsya lalo na sa mga karagatan kumpara noong nakalipas na obserbasyon ng Mahal na Araw noong nakaraang taon .

Sa katunayan aniya ay simula noong araw ng sabado hanggang kahapon, linggo ng pagkabuhay ay nasa 15,000 katao ang nagtungo sa Lingayen Gulf lamang.

Bagamat tiniyak nito na dahil sa collaborative effort ng mga concerned agencies ay kontrolado parin nila ang situwasyon sa pagbabantay sa probinsya.