DAGUPAN, CITY— Nagpaalala ang PDRRMO Pangasinan sa kanilang Ligtas at Aktibong Pamayanan online patungkol sa mga banta ng pagbaha.

Ayon kay Keevein Del Rosario, Early Warning System Specialist ng PDRRMO Pangasinan, madalas maranasan ang pagulan dulot ng bagyo at habagat tuwing hunyo hanggang oktubre.

Ito naman ay maaaring magdulot ng pagbaha, landslide at storm surge sa ibat ibang bahagi ng lalawigan.

--Ads--

Ayon naman sa kanilang datos ay kadalasang nararanasan ang pagbaha sa central at ilang parte ng western Pangasinan, nagkakaroon naman ng landslide sa eastern at ilang bulubunduking parte ng probinsya at storm surge sa coastal municipalities.

Iminungkahi din ni Del Rosario na Habagat ang pangunahing sanhi ng pagbaha sa probinsya.

May tatlong binabantayang major river system sa ating probinsya ito ay ang Agno river, Sinocolan river at Balincaguing river.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng preemptive evacuation ang pdrrmo kung kinakailangan upang maiwasan ang maaaring pinsala na dulot ng pag-apaw ng ilog.

Nagpaalala naman ang PDRRMO na patuloy makinig at sumunod sa kinauukulan upang maiwasan ang anumang sakuna.