DAGUPAN CITY- Patuloy na pinapatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kanilang layunin para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Ilang mga residente mula sa syudad ng Urdaneta ang bumisita sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) upang magsagawa ng benchmarking activity.
Layunin nilang mapag-aralan ang mga makabagong pamamaraan at sistema ng Emergency Operations Center (EOC) at ang kahandaan ng Pangasinan 911 sa pagtugon sa mga sakuna.
Sa kanilang pagbisita, ipinakita ng PDRRMO ang organisadong sistema ng emergency response at ang kalidad ng mga kagamitan sa mga operasyon.
Kabilang sa mga tinignan ang mga response vehicles, communication equipment, at iba pang mahahalagang kagamitan upang mapabuti ang kaligtasan ng bawat isa.
Pinagtibay ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagtutulungan at kaalaman ng bawat lokal na pamahalaan upang mapabuti ang serbisyong pangkaligtasan sa buong lalawigan.