DAGUPAN CITY- Lalo pang pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, katuwang ang Coast Guard, Navy at PNP-Maritime sa pagbabantay ng mga illegal na droga sa karagatan ng Rehiyon Uno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mariepe De Guzman, Public Information Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, matapos na mapaulat ang floating shabu sa rehiyon ay naging patuloy pa ang kanilang pagmomonitor sa katubigan.

Aniya, sa lalawigan ng La Union ang may pinakamaraming narecober na lumulutang na illegal na droga.

--Ads--

Kaya naman bumubuo na ang kanilang ahensya ng Seaport Intradiction Task Force upang mapadali ang kanilang koordinasyon para sa kanilang pagbabantay.

Nagpaalala naman si De Guzman na walang magandang naidudulot ang paggamit ng illegal na droga at kadalasan ay nauuwi sa krimen.

Kaya panawagan niya sa publiko na wag mag-atubiling makipagtulungan sa kanila upang malabanan ang illegal na droga.