Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Pangasinan na naging mas mahigpit pa ang kanilang ginagawang monitoring sa pagkontra sa illegal na droga sa probinsiya simula ng isailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ sa probinsiya dahil sa nagkaroon ng pagkakataon ang mga illegal drug personalities na makalabas at bumiyahe sa ibang mga lugar kung saan kinukuha at binebenta ng mga ito ang kanilang supply ng mga ipinagbabawal na droga.
Ayon kay Dexter Asayco, Provincial Office ng PDEA Pangasinan, kung ikukumpara noong nasa ilalim pa ng Enhanced Community Quarantine ang lalawigan ay malayong mas dumami ang kanilang naisagawang buybust operation sa magkakahiwalay na mga lugar sa probinsiya.
Binanggit nito ang naging malaking operasyon kamakailan sa bayan ng Binmaley kung saan naaresto ang ilang bigtime drug personalities at pag dismantle ng dalawang drug den.




