Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na patuloy ang kanilang masinsinang kampanya laban sa ilegal na droga sa Ilocos Region.

Ayon kay Atty. Benjamin Gaspi, Regional Director ng PDEA-1, nakatakda na ang susunod na schedule ng pagsira at pagsunog ng mga nakumpiskang droga sa mga operasyon ng ahensya.

Ipinaliwanag ni Gaspi na ang mga ebidensya, kabilang ang mga nakumpiskang ilegal na droga, ay kasalukuyang nakalagak sa laboratory service ng National headquarters habang hinihintay ang court order para sa pagsunog.

--Ads--

Aniya, tangingsa oras lamang na may kautusan mula sa korte maaaring isagawa ang proseso ng pagsira upang matiyak ang pagsunod sa batas.

Dagdag pa ni Gaspi, sunod-sunod ngayon ang mga operasyon ng marijuana eradication at anti-illegal drug operations sa Ilocos Region bilang bahagi ng kanilang adhikain na tuluyang maging ”Drug-free Ilocandia”.

Giit ng opisyal, ang tuluyang pagsira sa mga plantasyon ng marijuana ay patunay ng kanilang seryosong hangarin na wakasan ang lahat ng pinagmumulan ng ilegal na droga sa rehiyon.

Patuloy aniya ang PDEA sa mahigpit na pagpapatupad ng mga operasyon upang mapanatiling ligtas at walang droga ang Ilocos Region.