DAGUPAN, CITY— Nagsimula na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga bayan at siyudad ng probinsya bilang bahagi ng mas pinaigting nilang kampanya kontra sa iligal na droga.
Sa katunayan, ang mga Barangay Drug Clearing Officers ng PDEA Pangasinan ay nag-ikot na at nakipag-ugnayan na rin sa mga alkalde ng bayan ng Bugallon at siyudad ng Alaminos.
Layunin ng kanilang pakikipag-ugnayan ang Re-orientation para sa Revalidation ng Barangay Drug Clearing Program ng mga bayan at siyudad sa probinsya ng Pangasinan.
Ang hakbang ay bilang bahagi na rin ng mas maigting na kampanya ng PDEA Pangasinan at ang muling pagsusuri o revalidation process sa mga naunan nang nadeklara bilang mga drug cleared barangays.