DAGUPAN CITY– Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nangyaring oil spill sa pagsadsad ng isang oil tanker sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan .

Ayon sa Coast Guard District Northwestern Luzon, walang anumang insidente ng oil spill na na-monitor sa lugar na pinagsadsaran ng M/V CHEMITEC malapit sa Patar beach.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, kargado ang naturang barko ng 15 milyong litro ng produktong petrolyo.

--Ads--

Galing umano ang MV Chemitec sa Brunei Darusalam at patungo sanang China nang mapadaan sa Bolinao, Pangasinan at sumadsad sa mababaw na parte ng dagat.

Sakay nito ang 23 tripulanteng Chinese at tatlong Myanman national.

Itinuturing na isang snorkling destination ang dalampasigan ng Bolinao, Pangasinan dahil sa ganda ng mga corals.

Una rito, sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay PMaj. Dennis Cabigat, Chief of Police ng Bolinao PNP , pinawi nito ang pangamba ng publiko na mayroong oil spill na naganap kasunod ng pagsadsad ng nasabing foreign oil tanker sa dalampasigan.