Tila ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng intriga at nais na lamang nitong tumutok sa kaniyang trabaho.
Ito ay matapos na ‘no comment’ lamang ang pangulo sa pahayag ni Vice President Duterte na ipahukay ang labi ng ama.
Ayon kay Atty. Francis Dominic Abril, Legal/Political Consultant na ayaw na ng pangulo ng intriga dahil alam nito ang political capital ng Duterte.
Bagamat ay hindi pa nalalapit ang election season sa bansa ay parte ng isang sistematikong paraan ang papresscon ni VP Sara para pabanguhin ang kanilang imhae o siraan ang kabilang panig.
Kung saan ito lamang ay maituturing na pantulong sa kanilang agenda at personal na interes upang mapanatili ang kanilang political capital at political power.
Ani Atty. Abril na nalilihis tayo sa tunay na direksyon ng quality service at nakokompromiso ang kanilang trabaho.
Nagsimula naman ang mga isyung itong simula nang kumalas sa gabineteng Marcos si VP Sara kung saan matatandaan na nagpapresscon pa ito.
Kaugnay naman sa mga pagdinig patungkol sa public funds ani Abril na parte na sinumang public official na idepensa kung paano ito ginastos upang ipaalam sa publiko kung saan ito napunta.
Giit pa nito na ang mga biktima at observers ay naghahanap ng sense of accountability upang maging maagap at maalaga ang gobyerno.