Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naaprubahang fare hike sa pampublikong transportasyon at iniutos sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban muna ito.
Ayon sa Pangulo, hindi pa napapanahon ang fare hike dahil sa epekto ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Inatasan niya ang Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang implementasyon nito upang maibsan ang gastusin ng mga commuter, kabilang ang mga manggagawa at estudyante.
Samantala, tiniyak naman ng Pangulo ang dagdag na suporta sa mga transport worker, kabilang ang libreng sakay, diskwento sa MRT at LRT, at bawas-singil sa toll road upang maibsan ang gastos ng publiko.
“ Huwag pong mag-alala ang ating mga transport workers dahil mamadaliin po namin, dadagdagan po namin ang suporta sa inyo para naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. Ang DOTR ang pinutusan ko na ah sisimula na ang libreng sakay sa buong Pilipinas at ah pwede na pwede po ninyong gamitin muna yan para pangbawas gastos sa pang-araw-araw,” pahayag ni Pang. Marcos.










