Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Commencement Exercises ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “Salighirang” Class of 2026 na ginanap sa PMMA Complex sa San Narciso, Zambales.
Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang pagsisikap at sakripisyo ng mga nagtapos na kadete upang marating ang mahalagang yugto ng kanilang buhay bilang mga magiging propesyonal sa industriya ng paglalayag.
Hinimok din niya ang mga bagong graduate na panatilihin ang disiplina, integridad, at katapatan sa kanilang tungkulin, habang ginagampanan ang mahalagang papel sa pagpapalakas ng industriya ng maritime at sa pagsusulong ng mabuting pangalan ng Pilipinas sa pandaigdigang larangan ng pagpapadala at paglalayag.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang mahalagang ambag ng mga Pilipinong marino sa ekonomiya ng bansa at ang papel ng PMMA sa paghubog ng mga lider na may kakayahan, malasakit, at kahandaan na harapin ang mga hamon ng makabagong panahon.










