Dagupan City – Bahagyang tumaas ang ipinakitang performance at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba naman ang trust rating ni Vice President Sara Duterte sa 2nd quarter ng 2024.

Ang resultang ito ay base sa tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research. Kung saan umakyat sa 71% ang trust rating ng pangulo na mas mataas ng 2% mula sa 69% sa 1st quarter ng 2024.

Sa kaparehong survey, bahagya namang bumaba ang trust rating ni bise presidente sa 65% kung saan mas mababa ito ng 3% mula sa 68% sa unang bahagi ng taon.

--Ads--

Ang isinagawang survey ay non-commissioned survey mula sa OCTA Research sa buong bansa magmula noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 5, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interview.